Abante Tonite Interactive

Prime suspect sa ‘Bulacan Massacre’ mananagot — PAO

By ,
8

Kumpiyansa ang Public Attorneys Office (PAO) na tatayo ang kasong rape na isinampa laban sa pangunahing suspek sa pagmasaker sa limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa kabila ito ng pagbawi ng suspek na si Carmelino Ibanez sa kanyang unang pag-amin na ginahasa ang mag-inang biktima na sina Estrella at Auring Dizon.

Ayon kay PAO chief Persida Acosta, kahit binawi na ni Ibanez ang kanyang naunang testimonya, magagamit pa rin ito ng prosekusyon para idiin ito sa kaso.

Posible aniyang, nagbago ng tono ang suspek matapos maipaliwanag sa kanya ng abogado na posible itong makulong ng habambuhay dahil sa krimen.

Bukod dito, mas tumutugma rin aniya ang nauna nitong testimonya pati na ang mga nakukuha nilang impormasyon galing sa mga kapitbahay ng pamilya Dizon.

Nilinaw din ni Acosta na hindi pa natatapos ang imbestigasyon kahit nasampahan na ang suspek ng limang kaso ng murder at dalawang kaso ng rape