Abante Tonite Interactive

Primetime Queen Marian kinilala bilang ‘Celebrity Breastfeeding Influencer’

0 114

Kinilala bilang ‘Celebrity Breastfeeding Influencer’ ang Kapuso actress na si Marian Rivera.

Ang pagkilala ay iginawad ng Mother and Child Nurses Association of the Philippines (MCNAP).

Sa kaniyang Instagram post ay pinasalamatan ng Primetime Queen ang grupo dahil sa iginawad sa kanya.

Sinabi ng aktres na lubos ang katuwaan nitong naibahagi niya ang kanyang karanasan bilang breastfeeding mom kay Zia, na panganay nilang anak ng aktor na si Dingdong Dantes.

Ayon pa kay Marian ay excited na siyang makapiling din ang kanilang baby boy at maipagpatuloy ang kanyang advocacy.

Kaugnay nito’y tiniyak ng aktres sa MCNAP na katuwang siya sa layuning maipalaganap ang kaha­lagahan ng pagpapasuyo sa mga sanggol.

“Kaisa n’yo ako sa layuning ito at hindi ako magsasawang suportahan at ipalaganap ang importansya ng breastfeeding,” banggit pa nito.