Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PrimeWater-Villar sinalubong ng sibakan ang 2021

0 82

May pandemya na ay sinibak pa sa trabaho sa pagpasok ng 2021 ang halos 100 regular na empleyado ng Bacolod City Water District (BACIWA) na pagmamay-ari ng PrimeWater Inc. ng mga Villar.

Kasabay nito ay mariing kinondena ng samahan ng mga kawani sa gobyerno ang paninibak ng PrimeWater Inc. sa mga apektadong empleyado.

Nabatid rin na bukod sa pagsibak sa 60 empleyado ay brinaso rin umano ng ilang director ng BACIWA ang joint venture agreement sa kabila ng protesta ng mga mamamayan sa lugar.

Alinsunod sa kautusan ng BACIWA hindi na pinapasok ang nasabing mga regular na empleyado epektibo nitong Enero 4.

“Hindi ito lokal na laban kundi national,” sabi ni Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees president Santiago Dasmariñas Jr. sa isang online press conference kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Dapat i-call ang attention sa kasakiman ng mga Villar sa mga nangyayari sa ganitong privatization at patakarang pinapatupad na sila ang nakikinabang,” dagdag nito.

Ayon naman kay BACIWA Employees Union president Leny Espina, itinago sa mga mamamayan sa Bacolod pati na sa kanilang mga empleyado ng BACIWA ang kasunduan ng Primewater at water district kahit pa matagal na nilang hinihinging makita ang dokumento at humantong pa sa kanilang paghahain ng request sa ilalim ng freedom of information.

“Matagal na kaming humihingi ng kontrata hindi nila kami binigyan. Nag-file na kami ng FOI, tapos sasabihin nila may due process. Eh, kami mismo sa BACIWA hindi naming nalalaman,” sabi ni Espina.

Ang BACIWA ay isa lamang sa mga water district sa bansa na sinakop na ng mga Villar sa bisa ng mga joint venture agreement na tuloy pa rin sa kabila ng batikos ng mga residente at Commission on Audit (COA).

Panawagan ni Water System Employees Response (WATER) secretary general Ramir Corcolon sa iba pang mga water district na kalampagin ang board of director nito, pati na ang sangguniang pambayan, at mayor sa mga nangyayari para sa kapakanan ng mga consumer.

“Basic services ito. Alam po natin ang mga Villar may mga proyekto, may mga subdivision kaya ang tubig ay napupunta din sa kanila,” sabi ni Corcolon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.