Abante Tonite Interactive

Prince at pogilicious The WHO, nagpakilig sa #lovewins

By
13

SA isang pink portal, may kuha sina Prince Stefan at Paolo Amores.

Si Prince, kina­pupuotan ni Keana Reeves.

Si Paolo, isang pogilicious na The WHO.

Sa larawan, magkatabi sila ni Stefan at nakaupo sa bangko. Ang kamay ni Prince ay nakapatong sa balikat ni Amores.

Ang hita ni Prince ay nakadantay sa thigh ni Paolo.

Si Amores, nakapatong ang kamay sa hita ni Stefan.

Say sa thread, “Sa IG ni Prince, lahat ng ka­sweetan nila, andu’n.”

Nakakakilig!

Ang tanong sa pink portal, “Sila na nga ba?”

Is this another case of #lovewins?

***

The WHO si Ronnie Liang?

Mga suplada kayo sa personal, huh!

Panoorin ninyo ang pelikulang Esoterica Manila para mapagtanto ninyo kung sino siya at sure akong one time in your nubile lives, naging theme song niya ang one hit wonder niyang Ngiti.

Sasakit kanyo ang ulo ninyo sa Esoterica?

Mabuti ‘yan. At least, knowing n’yong nagpa-function pa ang brains n’yo, ‘noh.

Capable pang sumakit at matuliro.

***

Bida si Gold Azeron sa Cinemalaya 2016 entry na Lando at Bugoy.

Ang tatay niya sa pelikula ay ang award-winning actor na si Allen Dizon.

Kuwento ng gwaping na si Gold, “Masaya po ako na kasali ako sa movie tapos, bida pa.

“Nu’ng nalaman ko nga na si Allen Dizon ang magiging tatay ko, kinabahan ako. Alam ko kasing mahusay siya kaya sabi ko sa sarili, dapat ibigay ko ‘yung best ko.

“Pasaway akong bata, hindi sumusunod sa tatay niya, ayaw pumasok sa eskwelahan.

“Kaya ang ginawa nu’ng karakter ni Allen, nag-aral siyang muli para samahan ‘yung karakter.

Maraming aral itong father and son movie namin,” dagdag chika ni Gold.

Aware ba siyang guwapo siya?

Hiyang-hiya ito at kahit kayumangging kaligatan, kita pa ring na­mula ang pisngi nito, “Sabi n’yo po iyan. Hahahaha! Nakakahiya naman sabihin na guwapo ako.

“Ang gusto ko muna ngayon eh mapansin ang pag-arte ko . ‘Yun po ang pinag-iigihan ko.”