Abante Tonite Interactive

Prince Charles dinapuan ng COVID-19

480

Walang sinasanto!

Ganito kabangis ang COVID-19 dahil maging ang Prince of Wales na si Prince Charles ay dinapuan na rin at napaulat na nagpositibo sa nasabing mikrobyo.

Kinumpirma ito ng Clarence House nitong Miyerkules.

“It is not possible to ascertain from whom the prince caught the virus owing to the high number of engagements he carried out in his public role during recent weeks,” saad sa nilabas na statement.

Sa ngayon ay nakakaramdam ang prinsipe ng mild symptoms pero nasa mabuti naman itong kalagayan, ayon pa sa ulat.

Pahayag pa ng Clarence House, si Charles at ang kanyang misis na si Camilla ay sumasailalim na sa self-isolation upang hindi na kumalat pa at makahawa partikular sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Si Prince Charles ay naunang ikinasal kay Diana, Prinsesa ng Wales. Naging anak nila sina Prince William at Prince Harry.

Nang masawi si Princess Diana ay ikinasal si Charles sa kabiyak ngayong si Camilla, Dukes ang Cornwall magmula noong 2005. (Aivan Episcope)