Abante Tonite Interactive

Prince Harry ‘di imbitado sa kasal ni Ellie Goulding

441

Nalalapit na ang kasal ng “Love Me Like You Do” singer na si Ellie Goulding sa kanyang fiancé na si Caspar Jopling. Pero hindi umano kasama sa mga naimbitahan ang ex-boyfriend nito na si Prince Harry. Bago pa man kasi nakilala ng Duke of Sussex ang kanyang asawa na si Meghan Markle, si Ellie muna ang naging kasintahan nito.

Hindi man imbitado sina Prince Harry, pasok sa guest of honour ang royal cousins na sina Bea­trice at Eugene, kasama na rin ang ina nila na si Sarah Ferguson.

Bongga ang kasal dahil maghahanda ng mamahaling Bollinger champagne at gumastos ng mahigit 20,000 pounds sa mga bulaklak. May inihandang performance si Ellie sa kalagitnaan ng reception at isang sorpresang performance naman ay mula sa isang mystery guest.

Mahigit 300-katao ang aasahang dadalo sa kasal na gaganapin sa York Minster Cathedral. Ang VIP reception ay gaganapin sa Castle Howard sa darating na katapusan ng Agosto. (Ronaline Avecilla)