Abante Tonite Interactive

Prince Harry, Meghan Markle may 500M prenup?

By
3,251

How true na may prenup na nangyari sa Royal couple na sina Prince Harry at Meghan Markle sa kanilang Royal wedding last May 19.

Hindi raw kasi nakasisiguro si Queen Elizabeth kung hanggang saan magtatagal ang pagsasama ng Royal couple. Bago raw naglakad sa aisle si Meghan at Prince Harry ay puwersahan silang pinapirma ng $500M pre-nup agreement.

Last minute before the wedding day ay may paperwork na pinagawa umano ang Reyna ng Briton. “The world is when Harry and Meghan slipped into the antechamber before the ceremony at St. George’s Church to sign the marriage registry, they also signed the prenup,” saad ng pa­lace insider sa Star magazine. Ayaw raw talaga ni Prince Harry ng prenup, but “the queen put her foot down.”

“Harry’s hands were tied and he had no choice but to cave in, and so did Meghan. When Her Majesty gives an order, Harry has to obey!” dagdag pa ng insider. Gusto lang daw ng Reyna na maging extra careful at intact na naitatabi ang kanilang royal assets.

“The Queen is making it crystal clear that if Meghan and Harry split, she won’t be walking away with the crown jewels. And if they don’t have children, Meghan could get no­thing at all!” ayon pa sa report ng HollywoodLife.com. Dumaan na rin daw kasi sa divorce ang former actress sa una nitong asawa.

Ang highest­ paid divorce attorney ng U.K. na si Fiona Shackleton ang nagsagawa ng ­dokumento. Nasa isang secluded room siya kung saan hinihintay niya ang signature ng Royal couple para sa pre-nup. Isinabay raw ang pirma ng pre-nup sa signature ng royal couple bilang mag-asawa na. “She may have been there to make sure the paperwork went through without a hitch so Meghan doesn’t get a dime if they do end up divorcing,” ayon sa source.

“When Harry and Meghan slipped into the antechamber before the ceremony… to sign the marriage registry, they also signed the prenup,” quote umano ng palace insider.

Naniniwala naman ang mga malalapit sa Royal couple na matatag na magsasama ang dalawa at magkakaroon sila ng anak. “They’re having baby-making sex,” ayon pa sa HL. “In their hearts, Harry and Meghan know their marriage is for keeps.”

Samantala, pinabulaanan naman ng Gossip Cop na walang pinipirmahang $500M prenup ang Royal couple. Wala umanong katotohanan na nagde-demand si Queen Elizabeth na sila’y pumirma.

Pero sa deklarasyon ng Star: “Prince Harry’s Wedding Secret Exposed: The $500 Million Fight!” Very confident ang magazine na may behind closed doors na nangyari nu’ng Royal wedding day. (Beth Gelena)