Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Principal binoga habang naghahatid ng module

0 58

Sugatan ang isang elementary school principal sa lalawigan ng Surigao del Sur matapos itong barilin sa ulo ng pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang naghahatid ng modules sa mga estudyante, Biyernes ng hapon sa Tandag City ng nabatid na lalawigan.

Suwerteng hindi napuruhan at ngayon ay nagpapagaling ang biktimang si Eli Canonigo Apacible, principal ng Hitaob Elementary School sa Purok Hitaob, Barangay Awasian ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Surigao del Sur Police Provincial Office, ika-1:15 ng hapon nitong Biyernes habang naghahatid ng mga module ang biktima sa nasabing school nang targetin umano ito ng sniper ng NPA.

SM food to go Banner Ad

Agad namang naisugod sa ospital ang principal kaya naagapan.

Mariing kinondena ng Surigao Del Sur PPO ang pamamaril ng umano’y NPA.

Lumalabas sa imbestigasyon na posibleng napagkamalan ng mga rebelde na sundalo ang biktima dahilan upang target itong likidahin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.