Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Principal tinumba matapos mamalengke

0 223

Tinambangan ang isang school principal sa bayan ng Pikit sa Cotabato province nitong Huwebes.

Kinilala ng Pikit Municipal Police ang biktima na si Abdullah Hussain, 43, residente ng Barangay Fort Pikit.

Si Hussain ang principal ng Dagadas Elementary School sa Barangay Buliok.

Nakasakay umano si Hussain ng motorsiklo at nanggaling sa public market nang sumulpot ang gunman at binaril ang biktima bandang alas-10:45 ng umaga.

Tumakas sa hindi batid na direksyon ang suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.