Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Principal tinumba sa harap ng pamilya

0 472

Patay ang principal ng isang paaralan sa San Jacinto, Masbate matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay, Sabado ng gabi, sa nabatid na bayan.

Kinilala ang biktimang si James Villamor, 52, principal ng Interior Elementary School sa San Jacinto.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa bahay ng pamilya na matatagpuan sa Barangay Calipat-an.

Nabatid na naghahanda na sanang matulog ang biktima at asawa niyang si Daisy nang bigla na lang silang pasukin ng dalawang armadong lalaki at pinagbabaril ang nauna.

SM food to go Banner Ad

Unang isinugod ang principal sa Ticao District Hospital subalit dahil sa malubhang kalagayan ay inilipat sa Masbate Provincial Hospital kung saan na siya nasawi habang ginagamot dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Samantala, hindi naman dinamay ang ginang sa pamamaril ng mga suspek na mabilis ding tumakas matapos ang insidente.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.