Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pringle, Abueva liyamado sa ‘BPC’

0 91

MARKADO para sa Best Player of the Conference (BPC) award si Stanley Pringle ng PBA Philippine Cup bubble tournament champion team Barangay Ginebra Gin Kings at si fan favorite Calvin Abueva ng Phoenix sa awards night ng PBA.

Hindi rin magpapahuli sina Bobby Ray Parks at RR Pogoy ng Philippine Cup runnerup TNT, Matthew Wright ng Phoenix at CJ Perez ng Terrafirma.

Kikilalanin ang winners sa virtual Special Awards Night na ieere mula sa TV5 studios mamayang alas-sais ng gabi.

Walang MVP, pinakamataas na individual award ang BPC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Shortened ang 45th season dahil sa coronavirus pandemic, Philippine Cup na pinagharian ng Ginebra lang ang natapos sa Pampanga bubble nitong last quarter ng 2019.

Kandidato sa Outstanding Rookie sina Aaron Black ng Meralco, Arvin Tolentino ng Gins, Barkley Ebona ng Alaska, Aris Dionisio ng Magnolia at Roosevelt Adams ng Dyip.

Gitgitan sa Most Improved Player honors sina Justin Chua at Jason Perkins ng Fuel Masters, Reynel Hugnatan ng Meralco, Raul Soyud ng NLEX, Javee Mocon ng Rain or Shine at Prince Caperal ng Gins.

Agawan sa Samboy Lim Sportsmanship award sina Scottie Thompson ng Ginebra, Abueva, Perez, Kevin Alas ng NLEX at Gabe Norwood ng Elasto Painters.

Sa halip na Mythical First Team, Outstanding/Elite Five ang ibibigay. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.