Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pringle binangon Ginebra vs Alaska

0 162

TEAM STANDINGS W L
TNT 6 1
Rain or Shine 4 1
San Miguel Beer 5 2
Barangay Ginebra 5 2
Phoenix 5 3
Meralco 3 3
Alaska 5 4
Blackwater 2 4
Magnolia 2 4
NLEX 2 5
NorthPort 1 5
Terrafirma 0 6

Mga laro ngayon (AUF gym):
10:00 am – Rain or Shine vs. NLEX
1:00 pm – Blackwater vs. Meralco
4:00 pm – Magnola vs. TNT
6:45 pm – NorthPort vs. Ginebra

Smart Clark Giga City – Kinubra ni Stanley Pringle ang most points niya suot ang Ginebra jersey at kumaripas sa third quarter ang Gin Kings para sapawan ang Alaska 87-81 Martes ng gabi.

Naglista si Pringle ng 31 points at napigil ng Gins ang two-game skid tungo sa 5-2 card sa Philippine Cup. Nagdagdag si Japeth Aguilar ng 14 points, sinahugan ni Scottie Thompson ng 6 assists at double-double niyang 11 points at 10 rebounds sa pagbangon ng crowd darlings na naiwan ng 13 points.

Hindi nasundan two straight wins, natengga sa 5-4 ang Aces na pinamunuan ng 17 points ni Vic Manuel.

“We played terrible in the first half and that was totally on me,” ani coach Tim Cone. “We want back to playing Ginebra basketball in the second half. … They really saved my back end on this one.”

Babalik ng Smart 5G-powered AUF gym ang Gins ngayon para harapin sa last game ng isa pang quadruple-header ang NorthPort. Tumikim ang Batang Pier ng 112-87 hagupit mula sa TNT kahapon.

“We don’t know how we’ll gonna play tomorrow. Good news is, NorthPort is coming out of a tough game against TNT,” dagdag ni Cone.

Bumawi mula sa sorpresang talo sa NLEX ang Tropang Giga, balik sa unahan ng pulutong sa 6-1 at nakasiguro na ng slot sa quarterfinals. Naglista ng 16 points sa third quarter si Ray-Ray Parks tungo sa 22 points para sa Tropa.

Nabaon sa 1-5 ang NorthPort, giniyahan ng 17 points ni Kelly Nabong at 15 points, 12 rebounds ni Christian Standhardinger.

Sa iba pang laro, nilista ni Chris Ross ang 5 sa kanyang 8 points sa overtime at tinakasan ng San Miguel Beer ang Blackwater 90-88. Angat sa 5-2 ang Beermen at napiigil sa 2-4 ang Elite.

Nilampaso ng 5-3 Phoenix ang Terrafirma 116-94 sa likod ng 33 points, 6 assists at 5 steals ni Matthew Wright at triple-double (12 points, 10 rebounds, 10 assists) ni Calvin Abueva. Humaba ang bangungot ng Dyip sa 0-6.

Ang mga iskor:

First Game

San Miguel Beer 90 – Tautuaa 26, Lassiter 12, Cabagnot 11, Pessumal 10, Santos 9, Ross 8, Gamalinda 5, Zamar 4, Mamaril 3, Escoto 2.

Blackwater 88 – Daquioag 20, Tolomia 17, Trollano 10, Golla 10, Canaleta 8, Dennison 7, Salem 6, Escoto 5, Gabriel 3, Sumang 2, Dario 0, Shaw 0, Magat 0.

Quarters: 20-27, 41-41, 66-59, 84-84, 90-88 (OT).

Second Game

Phoenix 116 – Wright 33, Jazul 16, Heruela 14, Perkins 14, Abueva 12, Chua 10, Mallari 6, Intal 4, Garcia 3, Napoles 2, Rios 2, Gamboa 0, Marcelo 0.

Terrafirma 94 – Pere 32, Tiongson 15, Camson 11, Ramos 9, Adams 6, Gabayni 5, Cahilig 4, Balagasay 4, McCarthy 3, Batiller 3, Celda 2, Calvo 0, Khobuntin 0, Faundo 0, Agovida 0.

Quarters: 23-26, 59-55, 86-71, 116-94.

Third Game

TNT 112 – Parks 22, Pogoy 15, Rosario 14, Washington 11, Vosotros 11, Reyes 9, Erram 8, De Leon 7, Castro 7, Flores 4, Semerad 2, Montalbo 2, Enciso 0, Carey 0, Alejandro 0.

NorthPort 87 – Nabong 17, Standhardinger 15, Cruz 14, Taha 8, Subido 8, Lanete 8, Manganti 6, Elorde 4, Guinto 3, Revilla 2, Ferrer 2.

Quarters: 30-13, 54-30, 90-55, 112-87.

Fourth Game

Ginebra 87 – Pringle 31, Aguilar 14, Thpmson 11, Mariano 14, Caperal 6, Tenorio 5, Chan 4, Tolentino 2, Dillenger 0, Devance 0.

Alaska 81 – Manuel 17, Herndon 15, Digregorio 13, Brondial 9, Teng 8, Tratter 6, Eboña 4, Ahanmisi 4, Casio 3, Ayaay 2, Galliguez 0.

Quarters: 15-24, 34-40; 61-56; 87-81. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.