Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pringle, Ginebra balik ang angas

0 117

Laro ngayon: (Ynares Arena)

4:30 pm – Meraco vs Alaska

Naghabol sa first 43 minutes ng laro ang Ginebra pero naagawan ng panalo ang NorthPort 87-85 sa tampok na laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig Biyernes ng gabi.

Hinabol muna ni Japeth Aguilar ang humaharurot nang si Jamie Malonzo, dinamba ni Christian Standhardinger ang rebound.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa loob ng 7 seconds, nasa kabila na ulit si Standhardinger, muling inablot ang offensive board sa sablay ni Stanley Pringle. Pabagsak na si Standhardinger, binato ang bola, nahulog sa net at nakumpleto ang ahon ng Gins mula 13-point down sa first quarter.

Minanduhan nina LA Tenorio at Pringle ang comeback win, kasama ang depensa ni Scottie Thompson sa balik sigla ng team mula sa 89-79 loss sa Magnolia noong Linggo.

Tumapos si Pringle ng 24 points, naglista ng 10 sa fourth quarter si Tenorio tungo sa 20 points at may 7 assists pa. Nagdagdag si Aguilar ng 15 markers at 13 points, 12 rebounds kay Standhardinger at umangat ang Gins sa 2-2 sa PBA Philippine Cup.

Sa ikalawang sunod na laro, natalo sa basket sa final second ang Batang Pier at nalaglag sa 1-3. Nabigong isalba ng 23 points ni Robert Bolick ang NorthPort. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.