Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pringle, Ginebra buwenamano

0 140

Semis Game 2 ngayon (AUF gym)
3:45 pm – Meralco vs. Ginebra (Gins lead series 1-0)
6:30 pm – Phoenix vs. TNT (Tropa leads series 1-0)

Smart Clark Giga City – Kumalas sa middle quarters ang Ginebra para ibaon ang Meralco 96-79 sa Game 1 ng kanilang semifinals series sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City Miyerkoles ng gabi.

Mula sa manipis na 21-17 edge pagkatapos ng first period, humarabas sa second patawid ng third ang Gin Kings at nang dumistansiya 71-54 papasok ng fourth ay halos final score na lang ang hinintay.

Magandang kontribusyon ng lahat ng players ang nakita ni coach Tim Cone na susi ng panalo sa pangunguna ng 19 points at 7 rebounds ni Stanley Pringle at tig-13 nina Scottie Thompson at Arvin Tolentino. May tig-11 pa sina Aljon Mariano at LA Tenorio, 10 kay Prince Caperal.

May 9 rebounds at 8 assists pa si Thompson, tahimik na 9 points, 8 boards si Japeth Aguilar.

Pasabog ng 24 points si Allein Maliksi off the bench para sa Bolts.

Naligtasan ng TNT ang Phoenix 95-92 sa first game at kinontak din ng Tropang Giga ang 1-0 lead sa hiwalay nilang series.

SM food to go Banner Ad

Games 2 ng best-of-five bukas.

Anim na minuto lang tumagal si Matthew Wright sa laro pero nagawang makipagpukpukan ng Fuel Masters.

Umangat sa basket si Wright sa first period, pagbagsak ay natapakan ang paa ni TNT big man Troy Rosario. Hindi na nakabalik ang statistical points leader.

Nanaig si Jayson Castro kay RJ Jazul sa shootout ng dalawang veterans sa fourth quarter.

Kumana ng 14 points si Jazul, tinapatan ng 12 ni Castro.

May 3 points lang si Castro sa first half, nag-init pagkatapos ng break tungo sa team-high 20 points para sa TNT na sinahugan niya ng 6 rebounds at 6 assists. Umayuda ng 17 points si Ray-Ray Parks, 16 points at 9 rebounds kay RR Pogoy at 15 markers, 14 points kay Poy Erram.

Namuno sa Fuel Masters ang 21 ni Jazul. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.