Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pringle, Ginebra niligwak Phoenix

0 53

Lumabas din ang Never Say Die Ginebra kahit wala ang sixth man nilang crowd sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor, Pampanga Miyerkoles ng gabi.

Absent si Japeth Aguilar (MCL sprain), binalikat nina Stanley Pringle, LA Tenorio at Christian Standhardinger para ibalik mula 19-point deficit ang Gin Kings at agawan ng panalo ang Phoenix 94-87.

“This is our typical Ginebra game, we battled, we came back,” suma ni coach Tim Cone. “We miss the Ginebra fans.”

Naiwan hanggang 33-14 sa first quarter, gumana ang shooting ng Gins sa second quarter bago binigyan ng 11 points lang sa fourth ang Fuel Masters. Angat ang defending champions sa 4-5 card.

Sa final period nailista ang lahat ng apat na deadlocks huli sa 87-87 kulang 3 minutes na lang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibinaon ni Tenorio ang pamatay na 3 sa final minute 92-87 at hindi na umiskor ang Phoenix na nalaglag sa 4-6 sa kabila ng 30 markers ni Jason Perkins.

Tumapos si Pringle ng 31 points, nagsumite ng 23 si Tenorio na 6 for 11 sa labas ng arc matapos ang 0 of 13 shooting sa 88-67 loss ng Gins sa TNT noong Linggo. Umayuda ng double-double sina Standhardinger (21 points, 11 rebounds) at Scottie Thompson (12 at 11).

Sa first game, sumakay ang Tropang Giga sa 29 points ni rookie Mikey Williams at career-high 22 points ni Kib Montalbo para tagpasin ang three-game winning run ng NorthPort 102-92.

Naniguro na ang 9-1 TNT sa No. 1 spot at win-once edge sa quarterfinals.

Napigil sa 4-4 ang Batang Pier, pinangunahan ng 20 points ni Paolo Taha. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.