Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pringle, Ginebra pinundi Meralco

0 65

Mga laro ngayon: AUF Sports Arena and Cultural Center:

4:00 pm – TNT vs Phoenix Super LPG

6:45 pm – Terrafirma vs San Miguel Beer

Nagposte si Stanley Pringle ng mahalagang 16 points, kalakip ang 7 rebounds at 3 assists sa 29:58 job upang pamunuan ang Barangay Ginebra San Miguel sa paglango sa Meralco, 105-91, at sumawsaw sa liderato ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup elims bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga Linggo ng gabi.

Aktuwal na panukli iyon ng guard sa top scorer na si Japeth Aguilat na may 20 markers sa third straight win ng Gin Kings na inakbayan sa tuktok ang TNT at Rain or Shine sa malilinis na 3-0 win-loss record sa all-Pinoy conference.

Lumamang ng six point para biggest lead ang Bolts, pero madaling hinabol ng BGSM na dumistansya sa game ng hanggang 24 points para mahulog ang kuryente sa sixth-ninth spots kabuhulan ang defending five-time champion San Miguel Beer, Magnolia Hotshots at Alaska Milk sa 1-2 slates.

Dalawa pang mga bataan ni Ginebra coach Tim Cone ang mga bumak-ap kina Aguilar at Pringle para sa balanseng atake. May 12 pts. si Jeff at 11 si rookie Arvin Tolentino para sundan ng kanilang team ang mga paglasing din sa Blackwater Bossing (103-99) at NLEX (102-92).

Aang iskor

GINEBRA SAN MIGUEL 105 – J. Aguilar 20, Pringle 16, Chan 12, Tolentino 11, Caperal 9, Mariano 8, Thompson 7, Tenorio 6, Devance 6, Dillinger 5, Balanza 3, Caguioa 2, Salado 0, R. Aguilar 0.

MERALCO 91 – Maliksi 18, Hugnatan 16. Amer 10, Newsome 10, Jackson 6, Almazan 6, Black 5, Hodge 5, Quinto 4, Jamito 4, Jose 3, Pinto 2, Caram 2, Faundo 0, Salva 0.

Quarterscores: 20-20, 51-39, 74-60, 105-91. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.