Pringle handa nang mag-Rock ‘n Roll

523

Finals Game 1
sa Enero 7: (Smart Arenate Coliseum)
7:00pm – Ginebra vs Meralco

Handa nang mag-rock-and-roll si Stanley Pringle sa 44th Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup 2019-2020 best of seven Finals.

Sa unang pagkakataon sapul nang umentra sa liga bilang top pick ng GlobalPort noong 2014, ngayon lang nakasampa sa pinakamalaking stage ng liga ang Fil-Am guard.

Scoring champion din si Pringle noong 2018, nai-trade sa Ginebra nitong June kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer.

Nakapaglaro na rin siya sa international stage, naging miyembro ng Gilas Pilipinas, pero noong nasa Batang Pier ay ‘di nakapalaot nang mas malalim sa playoffs.

Sa pangalawang conference niya sa crowd darlings, nasa title round na ang 32-anyos na eksplosibong playmaker.

Ang dating team pa niyang NorthPort ang sinipa sa semifinals para sumampa sa championship ng Govs Cup.

“Really big, it’s my first Finals,” ani Pringle. “But, you know, I’ve played on big stages before so I’m gonna give everything I have.”

Walang pressure, na­namnamin lang niya ang pagkakataon at ibubuhos lahat para makuha ang unang kampeonato.

“Play hard, give it all I’ve got, leave it all on the floor and have some fun,” dagdag niya.

Nagpakondisyon aniya siya sa two-week Christmas break para ‘di kalawangin.

“Definitely, first try to get our legs back,” panapos na pahayag ng basketbolista. “Coach (Tim Cone) wants us to hurry up and try to recover from all the injuries that we have. We’re not gonna take so much time off.

This Christmas and New Year, other than that it’s back to work.” (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...