Abante Tonite Interactive

Pringle kinarga ang Ginebra sa Game 3

0 515

Game 4 sa Miyerkules:
(Smart Araneta Coliseum)
6:30 pm – Meralco vs Barangay Ginebra

‘Di ininda ni LA Tenorio pumutok ang kilay sa mainitang tagpo upang ihulog ang isang tres sa kruysal na bahagi sa pakikipagsabwatan kay Staneley Pringle para itulak ang Barangay Ginebra San Miguel sa 92-84 panalo at 2-1 lead sa 44th PBA Governors’ Cup best-of-seven Diansl Game 3 Lingo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nabitiwan ng Gin King ang 23 puntos na abante pero sinandigan ang tres ni Tenorio tapos makalapit ang Bolts, sa 87-82 tungo sa pagsungkit sa isang larong bentahe. Isa si Stanley Pringle sa mga kumamada sa third para maka-21 markers at makalayo ang crowd darlings.

Pinamunuan ni Japeth Aguilar ang Gin Kings sa tinipong 23 points at seven blocks. May kapos na triple-double si Justin Brownlee na 24 pts. at tig-9 rteb.s at asts. May 23 pts. si Japeth Aguilar at 11 si Tenorio. Si Tenorio, na nagtamo ng sugat sa ikaapat na yugto, ang nagtarak ng isang tres upang ibalik ang Gin Kings sa 90-84. Sinundan ito ng depensa ng Gin King sa pagpuwersa sa 24-se­conds violation sa Bolts upang selyuhan tagumpay.

Malaking pilay sa Bolts ang ‘pagliban sa seonc half ni Meralco center Raymond Almazan tapos ang masamang bagsak at kapitan ang kanyang tuhod sa unang yugto ng labanan. (Lito Oredo)