Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pringle patok sa BPC

0 223

Nangunguna sa Best Player of the Conference (BPC) si Stanley Wayne Pringle Jr. ng newly-crowned 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble champion Barangay Ginebra San Miguel sa Angeles, Pampanga.

Magkakaroon ng special awards ceremony na aprubado na ng PBA board sa Enero 2021 upang bigyang pagkilala ang top player.

Kikilalanin din sa All-Filipino tourney bukod sa BPC, ang mga itatanghal na Outstanding Rookie, Most Improved Player, Sportsmanship Award at Special Team Awards.

Mga karibal Pringle sa top award sina TNT T stalwart Bobby Ray Parks Jr., Phoenix Super LPG 1-2 Matthew Wright at Calvin Abueva, Terrafirma’s Christian Jaymar Perez at NorthPort big man Christian Standhardinger.

Kandidato naman sa Outstanding Rookie award sina Meralco guard Aaron Black, Roosevelt Adams ng at Gin King Arvin Tolentino. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.