Abante Tonite Interactive

Pringle, Standhardinger, patatalsikin ni Blatche

281

Mawawalan ng puwesto sina Stanley Pringle­ at Christian Standhardinger ng puwesto sa Team Pilipinas sakaling magbalik ang beterano sa NBA na si Andray Blatche.

Ito ang dismayadong pahayag ni national coach Yeng Guiao kahapon matapos tuluyang limitahan na lamang ang koponan sa 15 miyembro para mas madaling maisasagawa ang pagpapalitan at mabuo ang ‘chemistry’ sa pagbabalik pagsasanay ng training pool sa Enero 21.

“Most of them will be back, at saka iyung pool natin, maliit na lamang para mas madali pumili. Mas madali din nilang ma-absorb ang game plan, at mas madali sila matuto kapag nag-practice na kami. Not necessarily na lahat ng mga dati ay kasama kasi madadagdag na si Andray Blatche,” litanya ni Guiao.

“Blatche is a game changer, the only concerned about is what type of condition is he in, kapag talagang maganda ang condition niya at motivated siya, he will make a lot of change in the national team,” ng coach.

Gayunman, sinabi ni Guiao na lubhang madidismaya siya kapag nawala sina Stanly Pringle­ at Christian Standhardinger dahil nakalista ang tatlo kasama si Blatche bilang mga naturalized player.