Abante Tonite Interactive

Pringle, Standhardinger standby kay Blatche

323

Bagama’t magbabalik na ang da­ting NBA player na si Andray Blatche sa Team Pilipinas, nais pa rin ng PH team head coach na si Yeng Guiao na manatiling handa sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger.

Nitong nagdaang mga araw ay kumpirmado na ang pagsalang muli ni Blatche para sa huling window ng FIBA-Asia World Cup Asian qualifiers sa Pebrero.

Ibig sabihin ay mababakante ang dalawang sinandigan ng Pilipinas noong laban sa Kazakhstan at Iran na sina Pringle at Standhardinger.

Abante Hiring – IT dep

Nang matanong si Guiao kung makakasama sa pool ang dalawa, nilinaw nito na sa pagbalik ni Blatche ay malaki ang tsansa na hindi muna makapasok sa pool ang dalawang PBA player.

Gayunpaman, hindi dapat tumigil sa pag-eensayo ang dalawa sakaling biglang haltakin ng Team Pilipinas ang kanilang serbisyo.
“That is a most likely scenario, but we still want them there. Just in case,” saad ni Guiao.

Haharapin ng Pilipinas ang Qatar sa Pebrero 21 at Kazakhstan sa Pebrero 24. (RP)