Abante Tonite Interactive

‘Prinsesa ng Divisoria’ napupusuan ni Alden

0 792

Game sa halikan ang leading lady ni Alden Richards sa “The Gift” na si Cynthia ‘Thia’ Thomalla.

Ang Fil-German beauty queen ay gumaganap bilang si Faith, ang Prinsesa ng Divisoria, na mapupusuan ng Divisoria boy na karakter ni Alden na si Sep.

Isang malakas na “Yes!” ang sagot sa amin ni Thia kung okey sa kanya if ever may kissing scene sila ni Alden sa “The Gift”.

“When it’s work, it’s work,” nakangiting dayalog sa amin ng 24-anyos na dalaga.

Paano niya paghahandaan ang kissing scene na ‘yon?

“Magtu-toothbrush nang maayos! Nang bonggang-bongga! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.

Si Thia ang pinakaunang Filipina na nanalo ng titulong Miss Eco International nang lumaban siya sa Egypt nu’ng 2018.

German ang dad niya at Pinay ang mom niya. Ipinanganak siya sa Germany pero nu’ng bata siya ay lumipat sila sa Southern Leyte, kung saan siya lumaki. Nag-aral siya ng high school sa Maasin, Leyte at sa Cebu siya nag-college.

Ang mom niya pala ang may gusto na mag-beauty pageant siya kaya nag-join siya sa Miss World-Philippines.

Pumirma si Thia ng kontrata sa GMA Artist Center and she’s having fun daw sa showbiz. Nag-audition siya para sa “The Gift” at siya ang masuwerteng napili na maging love interest ni Alden.

First ever acting experience ito ng tisay na beauty queen, so nakaka-pressure daw to be a better actress dahil ang gagaling ng kasama niya.

Masaya raw sila sa set at sabi ni Thia ay nakaka-inspire si Alden. Patunay daw ito na kapag humble ka ay magsa-succeed ka.

Una niyang na-meet si Alden nang mag-guest siya sa “Eat Bulaga” bilang isa sa judges sa Super Sireyna at sa segment na Boom. Very gentleman daw ito, sobrang bait at sobrang humble.

Napaamin namin si Thia na may boyfriend siya. 2 years na raw sila. So, hindi sila puwedeng ma-link ni Alden in real life dahil taken na pala siya.

Sey pa ni Thia, kahit makipag-kissing scene daw siya ay alam ng boyfie niya na dedicated siya sa kanyang trabaho. Kaya supportive daw ito sa kanya.

Ang type niya raw sa lalaki ay ‘yung intelligent, humble, God fearing at family oriented. Physically ay hindi raw siya choosy, so hindi kailangang guwapo o may abs, pero bet niya raw ang chinito.

Medyo na-warning-an na si Thia na posible siyang ma-bash ng fans ngayong gaganap siyang love interest ni Alden sa bagong serye nito.

Ani Thia, hindi siya patola sa bashers dahil naniniwala siya sa freedom of speech. Pero sana raw, people will be educated with what they say and comment online.

Sana rin daw, kung hindi man siya gustong suportahan ng ibang fans ay suportahan pa rin ng mga ito si Alden.

‘Pepe’ ni Martin tinortyur

Itsura ng mga sasagala o lalaban sa beauty pageant ang Panti sisters na sina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario nang magsirampa sa red carpet premiere ng “The Panti Sisters” nu’ng Tuesday night sa SM Megamall Cinema 7.

Kabogera ang gown ng mga hitad, na si Martin ay hirap na hirap umakyat sa hagdan ng premiere section, tapos ay medyo hirap din itong umupo sa haba at kapal ng long gown nilang tatlo.

Laugh trip ang bagong pink movie ni Direk Jun Robles Lana, na pinagsama niya sina Paolo at Christian ng “Die Beautiful” at Martin ng “Born Beautiful,” kaya pak na pak ang resulta.

Sa utos ng kanilang homophobic na amang si Don Emilio Panti (John Arcilla) na dying of cancer ay napilitang mambuntis ang tatlong anak nitong baklita na sina Gabriel (Paolo), Daniel (Martin) at Samuel (Christian) kapalit ng P100M (o P300M kung isa lang ang makakapagbigay ng apo kay Don Emilio).

Panay kalokahan ang pelikula, na sobrang tatawa ka lang at mae-entertain the whole time.

Ang galing-galing ng tatlong bida bukod sa ang gaganda at ang lalandi. Medyo nakaangat si Christian dahil bongga ang role niya bilang baklang kanal na anak sa labas.

Kabit kasi ang nanay nitong si Vilma (Rosanna Roces), ang tunay na asawa ay si Nora (Carmi Martin) na madir nina Gabriel at Daniel.

Benta rin ang mga linya ni Christian na galing sa pelikulang “Himala”, “Kaya Kong Abutin ang Langit” atbp. kaya havey ang mga eksena niya. Minsan ay buma-Vice Ganda ang look ni Christian sa suot niyang wig at headband.

Riot ‘yung chorvahan nila ng bespren niyang girl (Via Antonio) na Bela Swan ang peg niya at Edward Cullen naman ito. Tawang-tawa kami sa hirit niya ritong, “‘Twilight’, hindi ‘Lion King’!”

Ang kume-K-pop beauty na si Martin ay napaka-pretty at girl na girl pati boses. Kuwela ‘yung tinortyur ng malupit niyang ama ang kanyang Pepe (stuffed toy).

As usual, hagalpak ang audience kay Paolo nang walang ka-effort-effort. Bet na bet namin ang mga adlib nitong hirit gaya nu’ng tinawag nito si Christian na baklang Debraliz (na sa outtakes sa ending ay naging baklang MC Hammer) at saka McDonald’s dahil sa itsura at hair nito.

Taruzsh ang baklang-baklang fight scene ng tatlong hitad na uma-anime ala Sailor Moon keme. Tapos, nakakatawa na nakaka-touch ‘yung moment nilang magkakapatid na nag-iinuman sila sa restaurant.

Maging ang fadir nilang si John Arcilla ay may moment din, pati na ang mga madir nilang sina Carmi at Rosanna, na wagi ang lamay scene na titigan lang at walang linyahan ala Nora-Vilma sa pelikulang “Ikaw ay Akin”! Ha! Ha! Ha!

Bukas pa lang ang showing ng “The Panti Sisters” kasabay ng siyam pang entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, pero sure nang may sequel ito.

Nagbabadya ang Part 2 nito na “The Hidden Panti”! PAK!!