Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Private school tax ok sa Palasyo

0 8

Nagpahayag ng suporta ang Malacañang sa posisyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na taasan ang corporate income tax ng mga pribadong eskuwelahan sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagbigay na ng posisyon si Finance Secretary Carlos Dominguez sa isyu at sang-ayon dito ang Palasyo.

“Nagsalita na po ang ating kalihim ng Department of Finance and we of course support the position of the Secretary of Finance na iyong interpretasyon po ng BIR doon sa non-profit schools na dapat 100% na kinikita nila ay hindi napupunta sa any other purpose other than for the purpose of the school is pursuant to the CREATE Law and pursuant to the established jurisprudence,” ayon kay Roque.

Nauna rito ay dalawang malalaking samahan ng pribadong paaralan ang naghain ng petisyon sa Court of Tax Appeals para hilinging pigilan ang BIR sa paniningil ng mas mataas na corporate income tax.

COCOPEA umapela kay Duterte

Hiniling naman ng Coordinating Council for Private Educational Associations (COCOPEA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na “itama” ang bagong polisiya ng BIR na magpapataw ng mas mataas na buwis sa mga pribadong paaralan.

Ayon kay COCOPEA spokesperson at managing director Joseph Noel Estrada, umaasa silang maitatama ng Pangulo ang BIR Revenue Regulation No. 5-2021, na posible aniyang maging dahilan ng pagkabangkarote ng mga pribadong paaralan.

Sa bagong patakaran aniya, tataas ng 150% ang income tax rate ng mga pribadong paaralan, na ayon sa COCOPEA ay paglabag sa Tax Code at sa Konstitusyon.

“Barely two weeks after the CREATE law was signed into law, the BIR issued Revenue Regulation No. 5-2021 removing that preferential tax rate, telling us not 1%, not 10%, but you should be taxed just like any other corporation and enterprise which should be at 25%. In effect, providing an increase of 150% in our taxes,” giit ni Estrada.

Inihayag naman ng BIR na makikipagtulungan sila at susunod sa anumang batas na maipapasa ng Kongreso, na kumilos na para maresolba ang isyu. (Aileen Taliping/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.