Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Private vehicle inspection ng LTO pinasuspinde

0 92

Inirekomenda ng Senate committee on public services na pansamantalang suspendihin ang operasyon ng mga private motor vehicle inspection center (PMVIC) sa gitna ng mga isyu at kuwestiyong ibinato sa sistemang pinatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).

Nagbigay ng ilang kondisyon si Senador Grace Poe, na chair ng komite, bago payagang makapagtuloy ang operasyon ang PMVIC tulad ng konsultasyon sa mga stakeholer, sapat na bilang ng private center, pagsunod sa set of standard at transparency sa pagpili ng inspection center.

Giit ni Senador Joel Villanueva “’Yung mga taong nakikinig at nanood ngayon, walang ibang iisipin kung hindi ito ay isang malaking raket kaya ho importante na dapat ito ay immediately i-suspend muna at pag aralang mabuti.”

Nauna nang kinuwestiyon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang legal basis na pagsapribado ng vehicle inspection program.

“Let me add my voice to support this call for suspension and I will point out the lack of any legal basis and in fact this could be contrary to law what the LTO and the DOTr are doing,” pagsang-ayon din ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sa kasalukuyan, nagpapataw ang mga PMVIC ng P1,800 bawat pribadong sasakyan, malayo sa P450 hangang P600 para sa bayad ng private car owner sa emission testing para sa car registration at renewal. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.