Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pro league, Big Dome nakatali

0 226

Hindi maghihiwalay ang subok na ang samahang PBA at Big Dome sakaling maibalik na ang mga laro sa gitna ng banta ng coronavirus pandemic.

Ayon kahapon kay commissioner Willie Marcial, ang Smart Araneta Coliseum lang ang available na paglaruan ng liga kung matutuloy ang restart sa September o October.

“Araneta (Coliseum) lang uubra,” aniya.

Sa makasaysayang venue sa Cubao unang inilaro ang PBA game noong April 9, 1975. Ito pa rin ang main hub ng liga makalipas ang 44 seasons.

Ang ibang venues na madalas pinaglalaruan ng PBA sa Metro Manila at karatig-pook, ginawang kanlungan ng COVID-19 patients.

“’Yung ULTRA (PhilSports), Rizal (Coliseum), Ninoy (Aquino Stadium), Cuneta (Astrodome), MOA, kahit ‘yung Philippine Arena na-convert na,” paliwanag ni Kume. “’Yung venues natin sa Laguna, Bulacan, Batangas, Antipolo, naging para sa COVID (patients) na rin. Iisa lang talaga option natin – Araneta.”

Sa Big Dome rin ginanap ang nag-iisang laro pa lang ng season – ang 94-78 win ng San Miguel kontra Magnolia sa opening night noong March 8. Makalipas ang tatlong araw ay sinuspinde ang mga laro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.