Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pro license ni Abueva pinababalik

0 47

Clark Smart Giga City – All-eyes kay Calvin Abueva sa PBA bubble sa Clark.

Nirekomenda na ng GAB na ibalik ang professional license ng do-it-all forward ng Phoenix Super LPG, natugunan lahat ng requisites na hiningi ng ahensiya.

Dumaan na sa medical testing si Abueva, natapos ang seminar sa Code of Conduct of a Professional Player and Gender Sensitivity Issue. Online ang seminar habang nasa Clark na si Calvin.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang huling bara na lang ay ang pag-aalis ng indefinite suspension ng PBA na ipinataw ni commissioner Willie Marcial noong June 2019.

Sa nakaraang Commissioner’s Cup, binigyan ni Abueva ng matinding clothesline si TNT import Terrence Jones. Bago ‘yun, pinakitaan niya ng lewd gesture ang girlfriend ni Ray-Ray Parks sa laro ng Phoenix at Blackwater.

Kapag umabot kagabi hanggang ngayong araw ang lifting ng suspension, baka makalaro na si Calvin mamayang gabi sa salang ng Fuel Masters kontra TNT (3-0) sa AUF Gym powered by Smart 5G sa kanyang hometown sa Angeles. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.