Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pro teams aagapay sa mga amateur

0 70

Handang umagapay ang Philippine basketball Association (PBA), Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 at Philippine Football League (PFL) makaraang ilahad ng Joint Administrative Order group (Sports JAO) at Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious ang posibilidad na payagang makapag-ensayo na rin ang mga amateur team.

Inimbitahan ni Games and Amusements Board (gab) chairman Abraham Kahlil Mitra, ang mga opisyal ng tatlong pro league upang hingin ang kanilang panig sa pagtulong sa collegiate teams sa paghawak ng practices habang may pandemiya.

Nagbalik na sa ensayo ang PBA nitong Agosto 25, ang Chooks-to-Go 3×3 basketball kinabukasan, at ang PFL nitong Miyerkoles. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.