Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Probinsya buhusan ng bakuna kontra coronavirus

0 66

Dapat na umanong higit pang paigtingin ang COVID-19 vaccination sa mga lalawigan ngayong nadagdagan na ang suplay ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nasa 40 milyong bakuna na laban sa COVID-19 ang naipamahagi sa buong bansa na maaaring iturok sa mga mamamayan upang maprotektahan sila laban sa virus.

Sinabi rin ng opisyal na nakipagpulong na ang DILG at Department of Health (DOH) sa mga opis­yal sa mga rehiyon ng Central Luzon, Calabarzon, at iba pang priority areas hinggil sa naturang layunin nila.

Upang maabot aniya ang target, maaaring isa­gawa ang pagbabakuna ng anim o pitong araw sa isang linggo at palawigin pa ito ng hanggang 12 oras. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.