Abante Tonite Interactive

‘Probinsyano’ panalo sa mahahalagang aral

597

SA pagbubukas ng 2017, nananatiling nangunguna sa buong bansa ang ABS-CBN noong Enero.

Nakapagtala ang Kapamilya network ng average audience share na 44% kumpara sa 36% ng GMA, base sa datos ng Kantar media.

Labinlima sa top 20 most watched programs sa bansa ay mula sa Kapamilya network.

Numero uno sa listahan ang FPJ’s Ang Probinsyano, na may average national TV rating na 37.2%.

Sa loob ng mahigit isang taon, tinalakay ng ser­yeng pinagbibidahan ni Coco Martin ang mga ­mahahalagang issue sa bansa at nagpakita ng mahahalagang aral tungkol sa pamilya.

Mainit ang pagtanggap ng televiewers sa serye mula noong nag-umpisa ito noong 2015.

Sumunod dito ang reality-talent program na Your Face Sounds Familiar Kids (35.2%).

Patok din ang mga aral sa Wansapanataym (30.1%).

Nakakuha ng national TV rating na 30% ang MMK sa patuloy nitong pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga totoong kwento ng mga Pilipino.

Agad ding pumatok ang My Dear Heart (28.5%) sa pagpapaalala nito sa mga manonood sa kapasidad ng taong magmahal.

Umariba rin ang katatapos na seryeng Magpahanggang Wakas (25%).