Abante Tonite Interactive

Problema ng internet speed, ‘di kakayanin ng NBN

By
18

Kahit buhayin ng administrasyong Duterte ang naudlot na National Broadband Network (NBN), hindi pa rin masosolusyunan ang mabagal na takbo ng internet hangga’t kontrolado ng dalawang higanteng kumpanya ang industriya ng telecommunication.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, ang pagpapa­lakas ng kumpetisyon sa merkado pa rin ang pinakamabilis, pinakamura at pinakamagandang solusyon para mapaganda ang serbisyo ng internet sa bansa.

“The national broadband plan is a good step but increasing competition and getting more players in the telco industry is still the quickest, most sustainable solution,” wika ni Sen. Bam, chairman ng Committee on Science and Technology.

Sa mga nakalipas na pagdinig ng kumite ni Sen. Aquino, napag-­alaman na kailangan ng maraming players upang mapaganda at mapababa ang presyo ng internet sa bansa.

“This was the most significant finding during our Senate hearings on our slow and expensive internet in the country,” ayon sa senador.

“It was true then, it’s true now. We have to make it easier for new internet providers to enter our market,” dagdag pa ng senador.