Abante Tonite Interactive

Problema ng NAIA inaaral pa ni Duterte

274

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad ito ng balasahan sa mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng naranasang aberya sa pagkaantala ng mga flight sa naturang paliparan noong Lunes ng madaling-araw.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Malabang, Lanao del Sur sinabi nitong wala siyang planong magpatupad ng rigodon sa NAIA.

Taliwas ito sa inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo noong Martes kaugnay sa mga napag-usapan sa cabinet meeting.

Ayon sa Pangulo, sinusubukan pa niyang malutas ang problema sa NAIA at hindi basta-basta magpatupad ng pagbalasa sa hanay ng mga opisyal.

“Wala. I am still trying to sort out the problem,” maiksing sagot ng Pangulo. (Aileen Taliping)