Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Problema sa paglalasing? Janella, Markus split na

0 335

Malakas ang ugong na hiwalay na umano ang mag-partner na Janella Salvador at Markus Paterson.

Ngayon daw ay kapansin-pansin na tanging anak nilang si Jude ang nakita sa IG account ni Janella ang kasama nito likewise sa IG din ni Markus .

Ayon kay Ogie Diaz sa kanilang Showbiz Update ni Mama Loi, “may nakarating sa akin na hindi na nagsasama sina Màrkus at Janella ”

Susog naman ni Mama Loi sa kasal nga raw ng kaibigan nilang sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia, hindi raw kasama ni Janella sa.wedding ang aktor. “Kasama lang niya si Jude at ang kanyang mom,”ani Mama Loi.

Ayon pa kay Ogie, narinig daw niyang matagal nang hiwalay umano ang young celeb couple.

“Hindi naman taon kundi mga ilang buwan na.”

Naririnig daw niya na nagkakaroon nang problema si Janella kay Markus.

“May drinking habit umano si Markus kaya may time na kapag nakakainom ay nagkakaroon ng anger management ang aktor.”
Mula raw sa.mga common friends ng dalawa nanggagalinģ ang balita.

Kaya ayon kay Ogie, kung totoo mang may problema si Janella kay Markus mas mainam nga raw na maghiwalay muna ang dalawa dahil pangit nga naman na kapag nag-aaway sila ay makikita ng kanilang anak.

Isa pa, sa pagkakaalam din namin ay may trauma na si Janella sa lalaking umiimom.

Wish namin ay magkaayos agad ang young celebrity couple na ito.

Bukas ang panig nina Janella at Markus para sa ikalilinaw mg isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.