Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Problemado sa gatas, nagbigti

0 406

Winakasan na lang ng isang ina ang kanyang buhay kesa makitang walang gatas ang kanyang anak sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Sinikap pa ng kanyang live-in partner na itinago sa pangalang Felix, 38, na dalhin sa Ospital ng Malabon ang kinakasamang si Julie Ann, 28, pero idineklara itong dead on arrival.

Ayon kay Felix, bandang ala-1:35 ng madaling-araw ay nagising si Felix sa iyak ng kanilang anak kaya bumangon ito at nakita niya na wala sa tabi nito ang kinakasama.

Nagulantang siya nang magtungo sa kusina at doon nakitang nakabigti na si Julie Ann gamit ang kumot.

Nitong huling mga araw ay problemado umano ang biktima dahil walang gatas ang kanilang anak pati na rin pambili ng kanilang kakainin dahil hindi pirmihan ang trabaho ni Felix bilang construction worker. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.