Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Produ ng MMFF lugi sa pirata

0 118

MILDRED BACUD:Hindi first time na talunin ng baguhang artista ang mag-iisang Superstar na si Nora Aunor.Nangyari na ito sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita no’ng 2013 kung saan nanalo si Therese Malvar. Naulit muli at si Charlie Dizon ng Fan Girl ang tumalo kay ate Guy sa pelikulang Isa Pang Bahaghari. As always, very humble naman si ate Guy at hindi naman apektado. Oo naman mga ka-Cuatros wala naman dapat patunayan ang isang ate Guy. Sa simula pa lang naman ng release ng nominees sa MMFF may isyu na dahil sa hindi pagkakasali ng Isa Pang Bahagharo sa Best Picture at Best Director.Inisnab ang isang batikang direktor na si Joel Lamangan.

Naloloka rin ang ibang producers dahil may pirated copy na ang ibang pelikula.Mahirap talaga ang online, walang security.Mainam pa nga ang pagpapalabas sa sinehan dahil mahigpit ang polisiya pero dahil nga sa pandemic napilitan sa ganitong sistema.

Paulo inalay ang trophy kay Aki

RODEL FERNANDO: May bago pa ba sa MMFF? After ng awards night nila ay may isyu palagi.
Teka lang, bakit ang Fan Girl ang nanalong Best Picture?. Naaayon ba ito sa criteria ng MMFF na “Best Picture criteria includes it serves as inspiration to Filipino moral values and cultural values”?. Asking lang po…

Anyway, nakakabahala nga Mildred ang piracy ng mga pelikula online at biktima ang mga pelikula ng MMFF 2020. Mukhang hindi napag-aralang mabuti ng Upstream kung paano sugpuin ito. Umaaray ang mga producer dahil malaki nga namang kalugihan ito para sa kanila. Imbes na mag-purchase ng tiket ay mapapanood na ng libre ang mga pelikula. Kawawa talaga ang mga producer.

Hay naku, dami talagang syu ng MMFF ngayon. Mabuti na lang itong si Paulo Avelino ay nanalong Best Actor. Nawala na tuloy ‘yung iniisip nila na nota lang ang puwede niyang ipakita sa pelikula. At nakatutuwa rin siya na inialay niya ang kanyang award sa anak niyang si Aki kay LJ Reyes. At least, naalala niya ito sa kabila ng tsismis na wala umano siyang panahon sa anak.

ROMMEL PLACENTE:Ngayong napirata na ang tatlong pelikulang kasali sa MMFF 2020,na isa rito ay ang Fan Girl, siguradong yung mga batang makakapanood nito na leading man si Paulo Avelino ay makikita rin ang kanyang nota.
Pero may mga nagsasabi na hindi tunay na nota ni Paulo ang lumabas sa pelikula.Peke raw ito.Posible nga! Hindi naman kasi bold star si Paulo para gawin ‘yun .

SM food to go Banner Ad

Regarding sa pagkatalo nina Nora Aunor, Sylvia Sanchez,Ritz Azul at Iza Calzado, kay Charlie Dizon sa pagiging Best Actress para sa role niya sa Fan Girl, hindi dapat gawing big deal yun.Gaya nga ng sabi mo ka-Cuatrros na Mildred, wala na namang dapat patunayan si ate Guy.Award- winning actress siya hindi lang sa Pinas kundi pati sa ibang bansa. Siguro sa tingin ng mga hurado, si Charlie ang dapat maging Best Actress at hindi si ate Guy o sina Sylvia, lza at Ritz, so be it! Kanya- kanyang panlasa naman ang mga hurado. Anyway,congratulations sa lahat ng winners sa MMFF Gabi ng Parangal.

ROLDAN CASTRO: Kaloka pagkatapos namin mapanood ang isang MMFF entry sa Upstream, nag-search kami sa Isang social media flatform may lumabas na full movie ng naturang pelikula. Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangan pa nilang i-post at ikalat?

Hindi sila naawa sa mga namuhunan ng milyon at makabawi .

Di safe at napipirata talaga nila.

Puwede ring maipasa sa iba gamit lang ‘yung cell number na pinambili at code..

Bat di nakontrol ‘yun?

Pagsasabihan ko tuloy ang isa kong friend na produ na magdalawang isip sa pagpapalabas sa social media flatporm ng prodyus niyang movie. Baka first day pa lang napirata na.

Grabe!

Leave A Reply

Your email address will not be published.