Abante Tonite Interactive

Producer ni Pacquiao bilib kina Malvar, Bonifacio, Del Pilar

376

Nagbibigay pugay si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr. sa Kabataan Ng Bayan. Siya ay producer ng JMV Film Production, para sa pelikulang “Malvar”. Magbibigay-buhay ito sa kasaysayan ng magiting na bayaning si Hen. Miguel Malvar na pagbibidahan ni People’s Champ Manny Pacquiao.

Si Atty Jose Malvar Villegas, Jr., (may hawak ng mikropono) apo ng bayaning si Hen. Miguel Malvar at Pangulo ng Labor Party Philippines (LPP) ay bilib sa Kabataan ng Bayan sa kanilang kagitingan nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1899-1902 .

Ipapakita sa pelikula ang katapangan at prinsipyo nila para sa bayan.

Sabi ni Villegas, habang ang kasaysayan ng mga rebolusyon sa iba’t ibang bansa ay pinamunuan ng kabataan tulad ng sa Pilipinas na sina Bonifacio, Hen. Malvar, Hen. Gregorio Del Pilar, Hen. Emilio Jacinto at iba pa, sa panahon naman ng pamamalakad ng pamahalaan sa pangkaraniwang panahon sa ilalim ng isang demokrasya, ang mga tanyag na leader ng bansa ay iyong mga nakakatanda tulad ng magagaling na Pangulo tulad nina Manuel Quezon, Sergio Osmeña Sr., Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Carlos Garcia, Fidel Ramos at Rodrigo Duterte.

Kaya dagdag ni Villegas, sa 2020 ay muling ikabubuti ng bansa na kung ang mangungulo sa Pilipinas ay isa ring nahahanay sa mga leader ng katandaan tulad sa ibang bansa.Ito’y katulad nina Winston Churchill ng England, Charles de Gaulle ng France, Konrad Adenauer ng Germany, Mao Zedong, Dwight Eisenhower at Ronald Reagan at Franklin Roosevelt ng Amerika, Chiang Kai Shek at Dr. Sun Yat-sen ng China, Sukarno ng Indonesia, Syngman Rhee ng Korea, Mahathir Mohamad ng Malaysia, Gen. Francisco Franco ng Spain at Lech Walesa ng Poland.