Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Producers bank manager sabit sa Wilcon land scam

0 97

Tinitingnan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibleng paglabag ng “Know Your Client” rule ng isang bangko na hinayaan ang isang impostor na magbukas ng account na nagamit sa isang scam laban sa may-ari ng Wilcon Depot.

“The deadline to submit the manager’s affidavit was on Wednesday, but she failed. We are giving her another chance to submit on a second subpoena,” ayon sa insider.

Sa ilalim ng anti-money laundering law, kinakailangang magsagawa ang mga bangko ng KYC check para maberipika ang pagkakakilanlan ng isang tao na balak magbukas ng isang account.

Ipinatawag ng NBI ang hindi pinangalanang manager ng Producers Savings Bank Corp. sa Roosevelt Avenue, Quezon City para magpaliwanag sa kung paano nakapagbukas ng account si Maria Fe Velasquez Cruz, na nagpapanggap bilang si Guinevere Regine King-Villavicencio, may-ari ng 1,812-sqm property sa Bonifacio Global City.

Si Villavicencio ay chairperson ng kompanyang Shefa Basileia na nagmamay-ari ng nasabing property na tinangkang ibenta ni Cruz kay Wilcon Director-CFO Mark Andrew Belo sa halagang P906 milyon. Sabi ni Villavicencio, hindi niya ibinebenta ang nasabing BGC property.

Nang kapanayamin ng NBI, sinabi ng bank manager na si Cruz ay ipinakilala sa kanya ng dating katrabaho bilang si Villavicencio at pinadali ang pagbubukas ng account.

“The manager said that she had no reason to doubt the identity of Cruz as Villavicencio because all the documents such as contract to sell and copy of the land title she submitted seemed to be in order, plus she was brought to the bank by a former colleague,” saad ng manager, ayon sa insider.

Giniit din ng manager na tinawagan niya ang kompanya ni Villavicencio para matukoy ang pagkakakilanlan nito.

“She claimed she called the company listed in the documents, but was told by the one who answered the phone that they were not allowed to divulge any information,” ani insider.

Magugunitang pinosasan ng NBI si Cruz kasama ang limang iba pa sa isang entrapment operation sa loob ng tanggapan ni Wilcon Depot chairman emeritus William Belo sa Quezon City noong Hunyo 11.

Hinuli si Cruz ng mga ahente ng NBI matapos niyang tanggapin ang P100,000 cash at P199.9 milyong tseke mula kay William bilang kabayaran sa nasabing property.

Nabatid na nagpatulong sa NBI ang Wilcon Group para marekober ang P20 milyong binigay kay Cruz noong Pebrero bilang down payment sa nasabing BGC property.

Leave A Reply

Your email address will not be published.