Abante Tonite Interactive

Produkto ng San Miguel Foods ligtas sa African swine fever

0 322

Ipinahayag ng San Miguel Foods na nananatiling laging ligtas ang mga produkto nito sa kabila ng napapabalitang pagkalat ng African swine fever.

Ayon sa San Miguel Foods, ang mga produkto nitong Purefoods Canned and Refrigerated Meats at Monterey Fresh Meats ay dumadaan sa iba’t ibang masusing proseso upang masiguro ang mataas na kalidad at food safety.

Isang dahilan kung bakit ligtas ang mga produkto nito ay dahil sa ‘grain-fed’ ang mga baboy nito. Ang mga grain feeds na ipinapakain sa mga baboy ay gawa sa mga state-of-the-art feedmill ng B-MEG sa ilalim pa rin ng kompanya.

Ang mga hog farm at pasilidad ng kompanya ay sumusunod din sa mga istriktong animal health at biosecurity protocol.

Maliban dito, bago pa man ma-distribute ang mga produkto ay may kaukulang permit na ang mga ito mula sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service.

Sinabi ng San Miguel Foods na sa kabila ng mga protocol na ipinapatupad ng ilang local government unit (LGU), nananatiling ligtas at available ang kanilang mga produkto sa mga pamilihan.