Abante Tonite Interactive

Produktong non-traditional palalakasin

293

Ang Pilipinas ang pangalawang pinakamalaking bansa na nagpo-produce ng niyog sa buong mundo, na nagkaroon ng pagbabago sa nakaraang 15 taon – mula sa pangingibabaw ng langis ng niyog bilang isang pangunahing produkto na ini-export.

Ngunit ang market profile ay lumipat sa isang industriya ng multi-product na non-traditional coconut products na umani ng katanyagan lalo na sa tumataas na pagkabahala sa kalusugan at pangkagalingan.

Sa isang pahayag ng University of Asia & the Pacific (UA&P), ang pagbabagong-anyo ay naimpluwensyahan ng supply and demand.

Ayon sa ulat na pinamagatang ‘The Coconut Industry: Local and Global Perspectives’, habang ang negosyo sa industriya ay nadodomina ng traditional coconut oil at copra, ang bahagi ng mga produktong ito sa mga ini-export ay bumaba ng 10 porsiyento.

Gayunpaman, binanggit din ng UA&P na ang bahagi ng mga non-traditional na mga ini-export ay kinabibilangan ng sabaw ng niyog, gatas, pulbos na gatas, cream, bukod sa iba pa, ay nadagdagan – dahil sa tumataas na kagustuhan ng mga mamimili sa mundo sa mga organiko at malusog na mga produkto.

Ang sabaw ng niyog ay isa sa pinakamabilis na lumalagong mga kategorya ng inumin sa pandaigdigang merkado. Kaya tumaas ang ini-export na 154 porsiyento kada taon na dami at 159 porsiyento bawat taon sa nakalipas na 10 taon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang ini-export sa nakaraang taon ay umabot sa kabuuang 63 milyon litro ng sabaw ng niyog na nagkakahalaga ng USD89 milyon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang Vita Coco, na global leader sa coconut water na may 26 porsiyento ng global market ay may 120 milyong litro kada taon na ibinibigay ng siyam na tagagawa kabilang ang mga kompanya ng Pilipinas na Axelum Resources Corporation at Century Paci­fic Agricultural Ventures.

Ngayon, target ng Vita Coco ang 150 milyog litro sa 2019. (Mina Aquino)