Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Prof timbog sa pagmanyak ng mga estudyante

0 99

Himas-rehas ang isang college dean sa Pagadian City, Zamboanga del Sur kaugnay ng two counts sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng mga estudyante.

Kinilala ang propesor bilang si Oscar Cosicol, dean ng criminology department ng Southern Mindanao Colleges.

Ayon sa ulat ng pulisya, inaresto si Cosicol, 44-anyos, sa kanyang tahanan sa Brgy. Buenavista nitong Lunes sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pagadian City Municipal Trial Court Branch 2.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naman inilahad ng pulisya ang partikular na pangmamanyak na sinasabing ginawa ng dean sa kanyang mga estudyante.

Sakaling mapatunayang nagkasala ay posibleng makulong ang dean nang mula anim na buwan hanggang anim na taon.

Samantala, nasa P36,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ni Cosicol. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.