Abante Tonite Interactive

Programa ng PBA aayusin sa Italy — Vargas, Marcial

387

Ikakasa ng PBA ang mas loaded na Season 45, paplantsahin ang mga babalakin sa annual planning session sa Milan, Italy sa susunod na linggo.

Una sa agenda ang launching ng inaugural PBA 3×3 tournament na pang-ayuda sa programa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. Magde-debut ang sport bilang isa nang ganap na Olympic event sa Tokyo sa July.

Tatalakayin din ng PBA Board ang Gilas program na target ang FIBA World Cup na iho-host ng bansa sa 2023.

Sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa February, isasalang ng SBP ang pinaghalong roster ng Gilas cadets at PBA veterans. Dahil March 1 pa ang umpisa ng papasok na season, papayagan ng liga ang players nilang sumama sa Gilas kung kakailanganin.

“The league is still in break in February, so the PBA players are free to join Gilas if they’re invited to reinforce the national team,” paliwanag ni commissioner Willie Marcial. “We’ll hear from SBP president Al Panlilio.”

Isa pang topic sa planning ang pagpapalakas sa digital platform ng liga.
Tumabo ang hits ng PBA games ng katatapos na 44th season. (VE)