Abante Tonite Interactive

Programang ‘Himas Buga’ abangan

By
0 146

Magandang balita mga kasabong, hindi lang dito sa kolum ko na Dalusapi mapag-uusapan ang sabong.

Mapapanood at mapapakinggan n’yo na rin sa website ng Abante at YouTube.

Sa Enero pa naman magsisimula at matutuwa kayo sa unang guest namin at alam kong kilalang-kilala n’yo siya.

Sa katunayan, nag-confirm na siya, basta huwag lang tatamaan ang petsa ng World Expo at World Slasher Cup.

Siyempre naman iiwas tayo sa ganu’n na petsa kasi gusto ko ring makapunta sa mga event na ‘yun.

Mahal nga lang ang entrance. Sana makaipon, he he he.

Pangalan ng programa ay “Himas Buga” Usapang Sabong kaya abangan n’yo mga klasmeyt.

Basa-basa lang kayo sa Dalusapi para malaman ninyo ‘yung eksaktong araw.

Iba-iba ang magi­ging panauhin namin pero ang topic ay mga konektado sa larangan ng sabong.

Kaya Abangan ninyo mga kasabong.

***

Sa mga kasabong natin na palaging nagtatanong tungkol sa mga patuka, halos lahat naman po ay mainam.

Nasa istilo po ninyo kung paano ninyo ikinukundisyon ang mga panlaban ninyo.

Kay Eric Corona, PM ko po sa inyo kung ano ang ginagamit kong patuka, baka kasi magtampo ‘yung mga ibang produkto ng pagkain ng manok.

***

Tayo nang magtrabisya sa New Antipolo Coliseum, ilalarga ngayong araw ang 3-Cock Town Fiesta Derby / with Double Fastest Kill.