Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Progressive group, hinamon ni Esperon

0 100

Hinamon ni National Security Council Director General Hermogenes Esperon ang mga miyembro ng progressive groups partikular na ang Makabayan bloc na ipakita ang tunay nilang kulay at kung ano ang kanilang ipinaglalaban.

Ito ay sinabi ni Esperon kasabay ng pagsasabing handa na siyang ipakita ang mga ebidensiya na magpapatotoo sa intensiyon ng CPP-NPA at ilang front organizations na sumusuporta dito.

Ayon kay Esperon, vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sumusuporta siya sa grupo ni spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy at Lt. General Antonio Parlade Jr. laban sa mga nag-aakusa sa kanila na may kinalaman sa red tagging.

“I wish to make it clear that I am providing numerous pieces of evidence and information that will expose the true nature of the CPP-NPA, and its various front organizations, primarily among them the Makabayan bloc. We are taking this opportunity to inform the public of the deceit and treachery that they have continuously employed in order to gain sympathy for their cause,” pahayag ni Esperon.

Ang administrasyon aniya pa ay hindi red-tagging front organizations dahil sa pangalan pa lamang ng organisasyon ay mula na sa communist organization.

“We are accused of “red-tagging” front organizations by their very own mouthpieces. To them I pose these questions: Why have they not questioned Jose Maria Sison when he himself identified these organizations as part of the bigger organ of the Communist Party of the Philippines? Sison was specific when he named BAYAN, Gabriela, Alliance of Concerned Teachers (ACT), League of Filipino Students, and Kilusang Magbubukid ng Pilipinas as well as the Kilusang Mayo Uno as part of his national democratic revolution,” dagdag ni Esperon.

Pinunto din ni Esperon na kahit na sa United Nations Security Council, sa ilalim ng Resolution No. 1373 of 2001, ang CPP-NPA ay isang terrorist organization at maging sa pamahalaan ng European Union, United States, at New Zealand ay kilala ang CPP/NPA bilang isang terrorist organization.

Anya, ang pamahalaan di ng Canada at Australia ay kininilala si Jose Maria Sison bilang isang terrorist individual.

Leave A Reply

Your email address will not be published.