Abante Tonite Interactive

Project Express Lane Operation, paiiralin sa Parañaque

393

Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang pagpapatupad ng P­roject Express Lane Operation 2.0 (ELO) na magpapabilis ng serbisyo kabilang na ang relea-sing at pagkuha ng business permits, lisensya at iba pa.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang Project ELO ay ang ikalawang yugto ng kanilang proyekto na kauna-unahang computerized occupational permit system na napapaloob sa kanilang automation program.

Ipinagmalaki rin ni Olivarez na ang Parañaque ay unang nakapag-integrate ng barangay business clea-rance sa kanilang ope-rasyon ng Business One Stop Shop (BOSS) na sumusunod sa RA 11032 (Ease of Doing Business Act).

Nabatid na nauna nang nailunsad noong nakaraang Enero ang Project ELO kung saan inalis na ng lokal na pamahalaan ang pagkuha ng mga permits sa mga barangay na da-ting requirement bago makakuha ng mayor’s permit.

At sa bagong Pro-ject ELO, ang mga negos- yante ay hindi na kailangan pang magtungo sa barangay upang kumuha ng barangay clea-rance para sa kanilang negosyo at isinama na nila ito sa kanilang sistema.

Ayon kay Atty. Me-lanie Malaya, hepe ng Parañaque Business Permits and Licensing Office (BPLO), kinakaila-ngan ng mga aplikante ng occupational permit na punan lamang ang isang application form na sumasakop sa work permit, sanitary o health permit, at police clea-rance.

Dagdag pa ni Malaya, meron na lamang isang assessment at pagbabayad sa City Treasurer’s Office bago ma-bigyan ang aplikante ng clearance identification card o ang tinatawag na Parañaque HELP card.(Vick Aquino)