Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Promdi Christine trinaydor ng mga beki: Ni-rape, drinoga anak ko – Mommy Dacera

0 153

Iginiit kahapon ng nanay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera na ginahasa at drinoga umano ang kanyang anak at hindi ito namatay dahil sa aneurysm.

Ito ang sinabi ni Sharon Dacera, ina ni Christine sa isang panayam kahapon.

“‘Para sa akin, ni-rape po ang anak ko,” pahayag ni Mrs. Dacera.

“‘Pag nakita mo ‘yung katawan ni Christine, you would surely feel the pain… My daughter cannot speak anymore. She really struggled much,” madamdamin pa nitong dagdag.

Saad pa ni Sharon, kita umanong may laceration at mga pasa si Christine subalit kinuwestiyon nito ang hindi pag-record sa ginawang autopsy.

“Doon sa medico legal, kita ko ‘yung laceration ng anak ko, bruises. Ba’t ‘di nilagay doon? ‘Di ko ‘to tanggap itong autopsy na ginawa nila,” dagdag pa ng ina ng biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Most probably mayroon talaga (iligal na droga) kasi kilala ko si Christine. Hindi ganyan ‘yung anak ko. Siguro, ni-take advantage din nila ‘yung pagiging mabait at probinsiyana ng anak ko na Christine really trusted them so much. Sabi ko, as a friend, sana ‘di nila binetray nang ganun si Christine.”

Naniniwala din ang ginang na drinoga umano ang kanyang anak at hinalo ito sa kanyang iniinom.

“Most probably mayroon talaga (iligal na droga) kasi kilala ko si Christine. Hindi ganyan ‘yung anak ko.

Nauna ng inaresto ang ilan sa mga kaibigan ni Christine subalit pinalaya ito sa utos ng Makati City prosecutors office dahil sa kakulangan ng ebidensya. Itinakda ang Preliminary Investigation ngayon.

Samantala ayon naman sa National Bureau of Investigation (NBI) na siyang nagsagawa ng pangalawang autopsiya sa bangkay ng dalaga na mayroon umanong krimeng naganap sa pagkamatay ng biktima.

Ang kumpirmasyon ay nagmula kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin kung saan mayroon umanong malinaw na indikasyon na may nangyaring krimen sa pagkamatay ng flight attendant at mahigit sa isang tao ang gumawa nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.