Abante Tonite Interactive

Promdi singer-actress OA mabuntis sa holding hands

686

NU’NG bagets na bagets pa ang isang pamosong singer-actress ay nakakaloka ang pakahulugan niya sa pagdadalantao. Probinsiyana kasi siya.

Naging magkarelasyon sila ng isang sikat na male personality nang magtambal sila sa isang napakamatagumpay na pelikula na nagkaroon pa nga ng part 2.

Kuwento ng aming source, “One night, nakita siya ng mommy niya na iyak nang iyak sa kuwarto niya. Worried ang mother niya, siyempre, dahil humahagulgol talaga ang female personality na bagets pa!

“Nu’ng usisain siya ng mommy niya, e, napaka-OA lang pala ng girl, nag-aalala pala siya na baka siya magbuntis, dahil hinawak-hawakan daw ng boyfriend niya ang mga kamay niya!

“True! ‘Yun ang akala niya! Na kapag magka-holding hands na sila ng boyfriend niya, e, magiging pregnant na siya! Tawa nang tawa ang mommy niya!

“Paano raw kapag hinalikan na siya ng karelasyon niya, e, ‘di manganganak na siya? Nakakaloka ang girl na kaluluwas lang ng Manila mula sa malayo nilang probinsiya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Ang male personality ang greatest love ng singer-actress, ito kasi ang unang nagmulat sa kanya sa mundo ng pagmamahalan, magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

Miss na miss pa rin siguro nila ang isa’t isa.

***

Young actress bongga magregalo sa dyowa

MAY kuwentuhan sa isang network. Ang bumibida sa tsismisan ay isang young female personality. Kung hindi raw siya nag-ingat ay mawawalan ng saysay ang kanyang pagpapagod at pagpupuyat.

Ang dahilan? Sobrang generous kuno ang young actress sa kanyang boyfriend na male personality.

Kuwento ng isang source, “Napakabongga niya kasing magregalo sa boyfriend niya! Wala siyang pakialam kung magkano man ang amount, basta, reregaluhan niya ang guy nang bonggang-bongga!

“Nag-aalala nga ang mga katrabaho nila na kapag hindi nagsubi ang girl, e, baka siya naman ang mangailangan someday! Pero mahal na mahal kasi niya ang boyfriend niya, gusto niyang pasayahin palagi!” kuwento ng aming impormante.

Hindi naman bilmoko ang kanyang boyfriend na aktor, may sariling pera naman ito dahil malakas ding kumita, ang girl talaga ang mapilit sa pagreregalo sa kanya.

“Konting hinay-hinay lang sa pagreregalo, kung talagang mahal siya ng guy, e, magtatagal sila kahit walang material things na nakapagitan sa relasyon nila!” sabi na lang ng aming source.

***

Clasher Aljon type itaas ang kalidad ng Mangyan

BINIBIGYAN namin nang sapat na panahon tuwing Sabado at Linggo ang The Clash ng GMA-7. Laban lang naman ng Barangay Ginebra ang kalaban nila sa amin, kapag ganu’n ay palipat-lipat kami ng channel, pero kapag wala ay hawak kami sa leeg ng The Clash.

Pang-international ang dating sa amin ng The Clash, magagaling ang kanilang mga kalahok, nagpapagalingan din ang kanilang mga hosts at wala kaming masasabi sa paghahandang ibinibigay nina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha bilang mga hurado.

Aliw na aliw kami ay Ai Ai sa kanyang gayak tuwing nauupo bilang judge ng singing contest. Magaling ang kanyang glam team, talagang kinakarir niya ang kanyang itsura mula ulo hanggang paa, may mga ibon na nakapalamuti sa kanyang ulo na hindi basta-basta madaling i-handle.

Mula nu’ng una ay minamanok namin si Aljon Gutierrez, isang Mangyan mula sa Mindoro, gusto niyang itaas ang kalidad ng kanilang tribu sa pamamagitan ng kanyang talento.

Kitang-kita ang kaligayahan sa aura ng Comedy Concert Queen, maayos ang takbo ng kanilang relasyon ni Gerald Sibayan na ilang panahon na lang ay makapagpapalipad na ng commercial plane, seryoso ang kanyang mister sa pinasok nitong mundo.

Malaki man ang agwat ng kanilang edad ay napakalaki ng posibilidad na magkasama pa rin sila hanggang sa kanilang pagtanda. Ibang-iba talaga ang relasyong hindi lang pagmamahalan ang nakapagitan kundi pati respetuhan.