Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Prominenteng politikong negosyante, nakopo ang water right?

0 179

Dapat ay imbestigahan ang National Water Resources Board (NWRB) dahil sa ibinigay nito sa isang pamilya ng politikong negosyante ang water right sa halos sa buong Pilipinas.

Nakapaloob kasi sa Presidential Decree 1067 na may kaugnayan sa Water code na pag– aari nga ng estado ang tubig pero nabibigyan ng permit water right ang isang kompanya.

Dahil dito ay ang anumang konstruksyon , paggalaw sa isang lupain o ari arian ay kailangang dumaan sa kompanya na may hawak ng water right.

Ang water right ay ipinagkakaloob ng National Water Resources Board (NWRB) .

Hindi masyadong napapansin ang NWRB lalo na sa isyu ng katiwalian o kalokohan subalit ayon sa ating impormante ay grabe din pala sa ahensiyang ito lalo na sa pag- iisyu ng water right.

Ayon pa sa ating impormante na unang nag- imbestiga sa Kongreso ay nagulat siya at tila isang pamilya lang ang nagmamay-ari ng water right sa halos lahat ng lugar sa buong bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumilitaw na isang pamilya lamang ang may- ari bagamat iba’t ibang pangalan ng kompanya ang ginamit sa pagkuha ng water right sa bansa.

Napakahalaga ng nasabing water right dahil sa anumang pagbungkal sa lupain o kalsada ay kailangang alam ng mga ito at kung gagawing negosyo ay tiyak na kailangang sila ay kasali sa usapan.

Kaya naman pala ang politikong negosyanteng ito ay pumasok na rin sa negosyo ng tubig sa ilang mga subdivision pero palpak naman ang serbisyo na inirereklamo ng mga residente .

Hulaan kung sino ang pamilyang politiko at negosyante pa? Kaya naman pala walang tigil sa pagyaman ang mga ito sa bansa at sana ay maimbestigahan ng mega task force ng Department of Justice (DOJ ) ang NWRB.

Ang pamilyang politiko na negosyante pa ay si?

Hulaan kung sino.. ipadala ang inyong sagot sa FB page na Mediaman Ely or sa mediamanely@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.