Abante Tonite Interactive

‘Promise’ ni Ritz, iinit na

By
18

TAMA ang tsikang ipapalabas na ng ABS-CBN ang The Promise of ­Forever nina Paulo Avelino at Ritz Azul.

Kagabi, big event ang pagpapalabas sa FPJ’s Ang Probinsyano ng full trailer ng nasabing series.

At least, hindi tulu­yang nabintalawan ang beauty ni Ritz dahil ‘yan pa naman ang first ­regular series niya sa ­Kapamilya network, huh!

Abante Hiring – IT dep

Si Manay Lolit ­Solis, tuwang-tuwa na maipapalabas na rin ang ­series na ito na kasama ang ­alaga niyang si Tonton Gutierrez.

Dahil sa The Pro­mise of Forever, ­hindi ­natuloy si Tonton sa Haplos ng GMA 7 ­kahit nakapag-story ­conference na sila.

Nang malaman kasi ng GMA 7 management na may canned series pa sa Dos si Tonton, tsinugi siya sa cast ng Haplos.