Abante Tonite Interactive

‘PROMISE’ NI RITZ, MALALASAP NA

By
16

NAKITA namin sina Paolo Contis at LJ Reyes sa isang mall sa may Meralco Av., Pasig City last week.

Kasama nila ang anak ni LJ na si Aki.

Mukhang masaya ang tatlo sa pamamasyal sa mall na ‘yon, kaya ­hindi na namin sila nilapitan para batiin.

Anak ni Paulo Ave­lino si Aki.

***

paulo-ritz
Paulo at Ritz

Speaking of Paulo, ­tama ba ang duda namin na ipapalabas na ang teleserye nila ni Ritz Azul na A Promise of Forever?

Dapat ay noong Abril pa ipinalabas ang series na ‘yon ng ABS-CBN, pero hindi na natuluy-tuloy hanggang pati ang ibang mga artistang kasama roon ay naging clueless kung kailan ba iyon maipapalabas.

Ang iba sa kanila, may ibang mga pro­yekto na.

Totoo ba na last week ay nag-pictorial pa ­sina Paulo at Ritz para sa publicity and promo ­materials ng A Promise of Forever?

Well…

***

Isa si Ryzza Mae ­Dizon sa maraming ­nanood ng concert ni ­Ariana Grande kagabi sa MOA Arena.

Kasama niya ang ilang mga taga-Eat ­Bulaga katulad ni Ms. Jenny Ferre.
Inusisa namin si ­Ryzza kung VIP tickets sila, pero hindi raw.

“Lower Box po ­tickets namin,” sabi niya nang makatsikahan namin kahapon.

Gustuhin man nila na sa VIP sila, wala na ­silang mabiling mahal na tickets.

Biniro namin si Ryzza na ‘masisira ang image’ niya dahil lower box lang ang tickets nila.

“OK lang po, wala namang problema. Gusto ko lang po mapanood si Ariana,” sagot naman ng isa sa hosts ng Eat Bulaga.

***

Kahit magse-­celebrate sila sa Paris, France ng kanyang birthday, hindi pa rin matiis ni Ogie Alcasid ang mga kaibigan niya na nagtatanong kung wala ba siyang pa-party para sa kanyang 50th birthday?

So, may pa-party na rin si Ogie sa second weekend ng Setyembre.

At dahil mahilig siya na mag-disco noong 80’s, may pa-disco si Ogie sa kanyang birthday party.

Kailangang naka-costume ng 80’s ang mga dadating at mamimigay siya ng prizes, huh!

Ang misis na si Regine Velasquez-Alcasid ang tumutulong kay Ogie para sa paghahanda sa party na ‘yon.

***

Parang sports bra lang ang suot ni Lovi na may nakapatong na blouse sa isa sa mga mall show ng Woke Up Like This noong weekend.

Isa si Lovi sa mga ­artistang walang kiyeme pagdating sa kanyang mga suot.

Puwedeng-puwede talagang i-display ni ­Lovi ang kanyang katawan ­dahil sobrang sexy ang bida ng pelikulang Woke Up Like This.

Kahit maraming mga proyekto, hindi ­pabaya si Lovi sa kanyang ­katawan.

Bukod sa may diet na sinusunod, sinisigurado ni Lovi na nakakapag-­exercise siya.

Madalas bago pumunta sa taping, duma­daan muna sa gym si Lovi. Kung kapos na sa oras, tumatakbo lang ­siya sa village na tinitirhan.

Bukas na ang ­opening sa mga sinehan ang Woke Up Like This movie nila ni Vhong ­Navarro under Regal Entertainment.