Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Promoter ni Pacquiao binalaan manloloko

0 244

Nagbabala ang promoter ni eight-division world men’s pro boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na si Paradigm Sports Management president Audie Attar para sa mga mandurugas na sumasawsaw sa negosyo at mga nagpapanggap na kinatawan ng kanyang boksingero.

Tagapagtaguyod din former Ultimate Fighting Championship (UFC) two-division world champion Conor Anthony McGregor ng Ireland, iginiit ng Iraqi-American sport official, na ang PSM lang ang tanging kumakatawan sa mga may kaugnayan sa Pampansang Kamao.

“The boxing industry has a history of shady characters being involved. These individuals introduce confusion and spread false rumors solely for their own interests. Unfortunately, this only ends up hurting the fighters. It has come to our attention that some of these individuals are once again spreading false and inaccurate rumors that are self-serving without the authority of Sen. Pacquiao or PSM,” litanya ni Attar.

Naging matunog nitong mga nakalipas na inggo ang paghaharap nina Pacquiao at McGregor sa boxing, pero sinilat ang Irish mixed martial arts (MMA) fighter ni American Dustin Poirier kaya nabulilyaso ang planong laban. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.