Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Promotor ng bakuna for sale malilintikan kayo – Yorme

0 87

Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nagpapabayad ng pagbabakuna.

“Huwag n’yo sana kaming subukan,” babala ni Moreno dahil may kaparusahan umano ito alinsunod sa isinasaad ng Ordinance 8740 na mahigpit na ipinatutupad sa Maynila.

Alinsunod sa direktiba ni Moreno Manila Health Department (MHD) chief Dr. Poks Pangan, inatasan nito ang lahat ng private hospitals, institutions, corporations, groups, organizations at private entities sa lungsod at sinasabing sundin kung ano ang sinasaad sa Ordinance 8740.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang direktiba ng alkalde ay nag-ugat sa impormasyong kanyang natanggap kaugnay sa isang pribadong organisasyon na magbakuna kung saan sisingilin ang mga ito.

“Bawal magbenta, kumita o balik-pera. I, with the help of Vice Mayor Honey Lacuna and the Manila City Council will continue protecting the citizens of Manila and those going in and out of the city,” dagdag ni Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.